Thursday, March 15, 2012

MOVE ON. Where do I start?

Posted by Anine at 9:23 PM




Saan nga ba dapat mag simula ang paglimot ng isang minamahal? Ano ba ang dapat mong gawin upang maghilom ang sugat ng nakaraan? Mga tanong na hanggang ngayon hinahanap ko parin ang kasagutan. Sa buhay ng tao, dumarating talaga ang punto na kailangan nating lumimot upang matakasan ang pait ng katotohanan. We need to forget for our heart to heal.  



To move on.
First is. .  Acceptance 
--kailangan mong tanggapin na tapos na talaga ang lahat sa inyo but accepting takes time.


Ang hirap unawain at tanggapin na tapos na ang lahat, ang mga binuong pangarap at kaligayahan na akala natin walang katapusan. Masakit talikuran ang mga memories na pinagsaluhan niyo pariho. . pero wala ka ng magagawa kundi ang tanggapin sa puso mo na wala na. . na tapos na. . na hindi na siya babalik pa kasi mahirap ang umasa sa wala. 

Oo, masarap umibig pero napakasakit din kapag narealize ng taong mahal mo na hindi ka na niya mahal. MASAKIT. Masakit ang iwanan ng minamahal lalong-lalo na kung mahal mo talaga siya. Humuhupa ang sakit sa pag-iyak pero kahit iiyak mo pa lahat ng luha. . hindi pa rin nawawala ang sakit. Hirap tanggapin, pero ano pang magagawa mo? 


Ako? Kinain ko ang pride ko, nagbakasakali ako na mahal niya pa ako. I took chances pero sa huli ako parin ang talo. Ako parin ang nasaktan ng todo. I’ve been rejected by the person I love. Naniwala ako, naniwala ako sa mga salitang MAHAL KITA. Mga salitang nagpapabilis sa tibok ng puso, dalawang salita na ang sarap pakinggan. Pero ang sakit pala kapag nalaman mong ang lahat ng iyon ay temporaryo lang.


Ang pinakamasakit na parte eh yong makita mo ang mahal mo na masaya sa piling ng iba. Masaya sila habang ikaw naman nasasaktan habang pinapanood sila.


You need to. . . forgive.
--erase the hate kasi wala itong magagawang mabuti. Alam ko masakit pero time heals. Kapag kinamuhian mo siya, ikukulong mo lang ang sarili mo sa nakaraan.

--------♥--------


And sometimes you need to. . . . forget
--sabi nila it’s impossible to forget pero kung magagawa mong makalimutan siya kahit isang araw lang, ibig sabihin nun, malapit ka ng maka move on totally.

Akala ko, madali lang ang prosess ng moving on. Actually, I asked a favor to my ex-boyfriend, na sana we could keep our friendship. I thought that it would be better if we could still be friends. I thought it will help me to move on, but then, I was wrong. I realized that it’s hard to befriend the one who broke you heart. Hindi na pwedeng ibalik pa ang kahapon at mananatili nalang itong bahagi ng nakaraan. 

Maybe it would be better if I will forget him for a time being until my heart recovered completely. I know it’s impossible to forget the person who filled up almost half of your happy memories of teenage life but I need to.

 I need to forget the things that made me happy because I know it’s over and it’s time to move on.



I’ve learned a lessson from a forwarded text sent to me by a friend. It said there that.

“Never allow yourself to be treated as nothing by another person whom you valued so much. If there’s no sense in waiting, then move’on. If you feel your not valued by that person like you do, then let go. That’s life, it’s about making wise decisions and not about making yourself a foolish one.”




Sa mundong ito constant ang change. Lahat tayo nagbabago. Sa buhay, may umaalis at meron ding darating. Just hope and wait for the right time. Someone better will come, someone who will love you more than you could ever expect and someone who will prove to you that true love does exist.


~end~

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.

Introduction

Recent Comments

 

Lockhearts Template by Ipietoon Blogger Template | Gift Idea